Namahagi ng 22 na bagong mga Utility Service vehicle ang Kapitolyo ng Cagayan sa Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-19 ng Pebrero 2025.
Ang pamamahagi ng sasakyan ay pinangunahan ni Governor Manuel Mamba kasama ang panauhin na si Ret. General Edgar “Manong Egay” Aglipay.
Ang mga benepisyaryo ay ang mga 22 barangay sa bayan ng Enrile. Ang pamamahagi ng utility vehicle ay napondohan ng Php672,400,000 milyon mula sa pondong hindi nagamit sa programang No Barangay Left Behind (NBLB) sa nakalipas na taon na inisyatibo ni Gob. Manuel Mamba.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina Engr. Pearlita Mabasa, Farm School Administrator and Overseas of Agriculture Programs & Projects ng Provincial Government of Cagayan, Department Heads, mga consultant ng Kapitolyo ng Cagayan, at mga kawani mula sa Provincial Office for People Empowerment (POPE), kasama sina dating 3rd District Congressman Randy Ting, Atty. Jojo Caronan, Atty. Reymund Guzman, Japo De Asis, at iba pang bisita mula sa bayan ng Enrile.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ni Gob. Mamba na tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa lambak ng Cagayan. Layunin nitong maipadama ang malasakit ng PGC sa mga Cagayano sa pamamagitan ng direktang pamamahagi ng sasakyan sa bayan ng Cagayan.
Source: Cagayan Provincial Information Office