Matutupad na ang pangarap na proyekto ni Gov. Ramon V. Guico lll dahil pormal nang naselyuhan ang partnership ng Pangasinan at San Miguel Holdings Corporation para sa pagpapatupad ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) Project.
Kahapon lumagda na sa isang Joint Venture Agreement at Toll Concession Agreement para sa Pangasinan Link Expressway sina Gov. Guico na kumatawan sa Pangasinan LGU at ang San Miguel Holdings Corp. (SMHC) na kinakatawan ng business tycoon na si Ramon S. Ang, sa Sison Auditorium sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.
Ayon kay Ang, 34 bilyon ang halaga ng proyekto na sasagutin at patatakbuhin ng SMHC at walang gagastusin ang Provincial Government, ngunit 70 percent ang share nito sa kikitain ng proyekto.
Ang East-West Highway ay naging pangarap na ng mga nagdaang gobernador ng Pangasinan
pero sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III ay maisasakatuparan na ang matagal ng pangarap.
Source: Pangasinan News Daily