Nagtipun-tipon ang Provincial Inter-Agency Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (PIACAT-VAWC) sa kanilang third quarter meeting sa Capitol Resort Hotel, Lingayen, Pangasinan nito lamang ika-24 ng Setyembre 2023.
Ito ay pinangunahan ni Provincial Social Welfare and Development Officer, Annabel Terrado-Roque.
Ayon kay Atty. Emmanuel E. Laporteza, ang Officer-in-Charge ng Office of Provincial Prosecutor, sila ay makikiisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng trainings, workshops, at seminars kaugnay sa bullying, hazing law, at cyberbullying.
Iprinisinta naman ni PSWDO-Social Welfare Officer III Marycon Lian T. Bernardo ang draft ng Provincial Local State of Children Report 2023 na kinakailangang repasuhin.
Ibinahagi naman ni DILG Local Government Operations Officer II Jaybee Apigo ang kanilang accomplishment report sa Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children o LCAT-VAWC.
Napagkasunduan ng bawat miyembro na magtulungan at lalong palakasin ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga bata at kababaihan.