21.8 C
Baguio City
Wednesday, January 22, 2025
spot_img

Pangalawang Bugso ng Serbisyo Caravan, isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Cagayan

Pinangunahan ni Mayor Leonardo C. Pattung kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Rowel Gazmen ang isinagawang Serbisyo Caravan na ginanap sa Sitio Marus, Hacienda-Intal, Baggao, Cagayan noong ika-6 ng Setyembre 2024.

Nakaalalay naman ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa seguridad ng lugar gayundin ang pagpapakita ng talento at pakikiisa sa mga programa tulad ng libreng gupit. Gayundin ang suporta ng Bureau of Fire and Protection na kaagapay sa pagsasagawa ng libreng tuli at iba pang aktibidad.

Tuloy-tuloy pa din ang pamimigay ng mga libreng gamot ng Municipal Health Office kasabay ng pagsagawa ng iba’t ibang konsultasyon na may kinalaman sa kalusugan sa pangunguna ni OIC Municipal Health Officer Dra. Olga Joy Bautista.

Gayundin ang tuloy-tuloy na programa ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer Elvie Salvador gaya ng relief distribution, registration at issuance of ID para sa mga Senior Citizen sa pangunguna ni OSCA Head Ms. Olivia M. Vea at iba pang mga programa na may kinalaman sa kanilang opisina.

Nakaalalay naman ang opisina ng Agrikultura sa kanilang mga programa para masigurong maalalayan ang ating mga magsasaka sa bayan, kabilang sa kanilang programa ang pamamahagi ng mga libreng binhi at mga buto ng mga gulay na pwedeng itanim sa mga bakuran o gulayan.

Katuwang din ang iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan para sa paghahanda at pagsasagawa ng nasabing programa.

Naging mainit naman ang pagtanggap sa grupo ng Serbisyo Caravan ng mga residente ng nasabing Barangay sa pangunguna ng mga opisyales nito at mga guro ng Marus Elementary School.

Source: Baggao Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles