16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Panatag na Buhay sa Mura at Dekalidad na Pabahay, programang handog ni Mayor Cristy Angeles

Humigit kumulang 1,000 pamilya mula sa sektor ng kababaihan, religious sector, at construction sector sa iba’t ibang barangay sa Tarlac City ang sumailalim sa Community Needs Assessment Orientation ng KAISA ANGEL VILLAGE sa ilalim ng “Pambansang Pabahay para sa Pilipino o (4PH Program)” na itatayo sa Tarlac City na naganap ngayong Mayo 24, 2024 sa Kaisa Convention Hall.

Sinisikap na makamit ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles na personal na nakikipag-ugnayan sa National Government sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSHUD) upang agarang matugunan ang kakulangan ng pabahay ng mga kababayan sa Lungsod ng Tarlac. 

Patuloy ang pagbibigay ng libreng serbisyo ng pamahalaang lungsod upang matulungan at maramdaman nila ang pagmamahal ng pamahalaan para sila ay mamuhay ng masaya para sa hinahangad na mapayapa at maunlad na Bagong Pilipinas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles