Nabagsakan ng malaking tipak na bato ang isang pampasaherong jeep sa Sitio Makutiti, Poblacion, Sadanga, Mt. Province nito lamang Huwebes ng gabi Hulyo 28, 2022.
Ang nabanggit na jeep ay may sakay na 13 na pasahero na minamaneho ni Ginoong Roger Peningeo, 39, drayber, nakatira sa Poblacion Sadanga, nagtamo ng minor injuries ngunit kasalukuyang nasa mabuting kalagayan.
Batay sa ulat ng pulisya, habang binabagtas ng jeep ang daanan mula sa Bontoc patungong Sadanga, Mt. Province bandang 6:00 PM ng gabi, ay bigla na lamang may malaking tipak ng bato na tumama sa sasakyan dahilan upang ito ay mapahinto.
Kaagad namang inilabas ng mga kapulisan ang mga biktima sa maingat na paraan lalo na ang isang babaeng pasahero na nakaupo sa passenger sit na si Shirley Guinoban, 42, residente ng Poblacion, Sadanga, na kaagad din dinala sa Bontoc General Hospital para sa agarang lunas.
Samantala, ang iba pang biktima ay dinala sa Municipal Health Station para sa paunang lunas.
Pinaalalahanan naman ng kapulisan at ng Lokal na pamahalaan ang mga residente na hangga’t maaari ay huwag munang bumiyahe lalo na sa mga lugar na apektado ng landslide.