Muling umarangkada ang pamimigay ng lokal na pamahalaan ng Angeles City ng Financial Assistance at Vitamin C Supplements para sa Senior Citizens ng Barangay San Jose at Barangay Anunas, Angeles City nito lamang Martes, ika-14 ng Mayo 2024.
Nasa 2,807 rehistradong Senior Citizens ng mga nasabing barangay ang nakatanggap ng isang libong piso (Php1000) na cash assistance at Vitamin C Supplements sa loob ng tatlong buwan mula kay Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Mayor ng nasabing lungsod.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Mr. Eduardo Torres, Head, Senior Citizens Affairs, na nagbigay tuwa at pag-asa sa mga benepisyaryo.
Patuloy ang paghahatid ng serbisyo at iba’t ibang programa ang ating pamahalaan lalo na sa sektor ng kalusugan upang mabigyan ng suporta at mabigyan ng pag-asang mamuhay ng malusog at masaya ang ating mga kababayang senior citizen.
Source: Angeles City Information Office