Humigit kumulang 3,500 na magsasakang benepisyaryo ang nabigyan ng Certificates of Condonation and Release of Mortgage (CoCrom) sa bayan ng Paniqui, Tarlac na ginanap sa Eduardo Cojuangco Jr. Gymnasuim nito lamang ika-30 ng Setyembre 2024.
Ito ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang ilang mga senador na bahagi ng slate ay naroon din na kamakailan ipinakilala ni Pang. Marcos Jr., kasama sina Mayor Max Roxas, Pangalawang Alkalde Bien Roxas, at ang buong Team Matulungin Councilors, pati na rin ang ilang mga kongresista at alkalde ng lalawigan ng Tarlac.
Ayon sa Republic Act 11953 o ang Bagong Batas ng Agraryong Emansipasyon na pinirmahan ni Pang. Marcos Jr., hindi na kailangan pang bayaran ng mga magsasaka ang kabuuang halagang Php124 milyong piso.
Hindi na rin kailangang bayaran ng mga benepisyaryo ang kanilang mga utang, interest, at iba pang mga karagdagang singil dahil kasama na ito sa Comprehensive Agrarian Reform Program.
Layunin ng naturang aktibidad na ipagkaloob ang kalayaan sa mga agraryong magsasaka mula sa kanilang mga utang sa ilalim ng Republic Act 11953 o Bagong Batas ng Agraryong Emansipasyon, sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga Sertipiko ng Kondonasyon at Pagpapalaya sa Sanggla (CoCrom), upang matulungan silang makamit ang ganap na pagmamay-ari ng kanilang mga lupang sakahan at mapabuti ang kanilang kabuhayan.