16.9 C
Baguio City
Saturday, September 21, 2024
spot_img

Pamilya ng dalawang nasawi sa bagyong Maymay, nakatanggap ng burial assistance mula sa Gobyerno

Nagkaloob ng tig Php10,000 burial assistance ang DSWD Regional Office 2 sa naulilang pamilya ng dalawang mangingisdang nasawi sa magkahiwalay na lugar sa mga bayan ng Buguey at Sta. Ana, Cagayan.

Personal na dinala at iniabot ni Regional Director Lucia Alan, Celso Arao, Assistant Regional Director Administration at Franco Lopez, Assistant Regional-Operations, DSWD Field Office 02 ang tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya.

Ayon kay Regional Director Lucy Alan, nakapaloob ang burial assistance sa kanilang regular na programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ang dalawang nasawi ay nalunod matapos na pumalaot sa kasagsagan ng bagyong Maymay noong nakaraang linggo.

Patuloy naman ang DSWD, Municipal Action Team, at mga MSWDO sa koordinasyon at pamamahagi ng tulong para naman sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa hilagang bahagi ng Cagayan.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles