Nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Pambansang Kilusang Magbubukid (KMP) sa Sitio San Pedro, Barangay Iba, San Jose, Tarlac nito lamang Lunes, ika-11 ng Setyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Inno”, 61 anyos, isang magsasaka, residente ng Sitio San Pedro, Barangay Iba, San Jose, Tarlac.
Kasabay ng pagbabalik-loob nito ay ang pagturn-over ng isang rifle propelled na granada.
Patuloy ang panawagan ng gobyerno sa mga natitira pang komunistang teroristang grupo na magbalik-loob at magbagong-buhay kasama ang kanilang pamilya.