Mahigit 1,489 na kabalen mula sa Brgy. San Juan , San Luis ang nakatanggap at nabahagian ng maagang pamasko ng pamahalaan ng Pampanga na naghatid ng saya at pag-asa nito lamang Huwebes, ika-5 ng Disyembre 2024.
Pinamunuan ito ni Governor Dennis “Delta” Pineda katuwang si Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, kasama si San Luis Mayor Jay Sagum, Vice Mayor Mon Sagum, at mga kawani mula sa Pampanga Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), at General Services Office (GSO).
Ang mga residente ng nasabing barangay ay nakatanggap ng hotdog at manok.
Ang programang ito ng Pamahalaan ng Pampanga ay nagpapakita ng pagtutulungan at malasakit sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga lubos na nangangailangan.