20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pamasko para sa mga Cancer Patients, ipinamahagi sa Pampanga

Mahigit 1,049 na cancer patients mula sa ikalawang distrito na nakatanggap na maagang pamasko ang binahagi ng Pamahalaan ng Pampanga nito lamang Linggo, ika-24 ng Nobyembre 2024.

Pinamunuan ito ni Governor Dennis “Delta” Pineda, katuwang si Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda.

Isang benipisyaryo naman ng cancer patient ang labis na nagpasalamat sa tulong na natanggap. “Positive lang po, kung iisipin mo na may sakit ka, wala rin po. Kailangan pa din pong maging masaya tayo para sa pamilya natin at kay Lord din.” pahayag nito.

Ito ang mind set ng 44 years old na si Janice Bayani, isang dating OFW sa Saudi na kinailangang unuwi matapos madiagnosed ng nose at neck cancer noong 2022.

Pero kahit may matinding pinagdaanan na, nakukuha pa din ngumiti sumabay sa agos ng buhay. Personal na kinausap ni Vice Gov Nanay ang mga benepisyaryo at nangakong nakaantabay ang Kapitolyo sa kanilang pangangailangan.

Bawat isa ay nakatanggap ng cash assistance at foodpacks mula sa Kapitolyo.

Ang programang ito ng Pamahalaan ng Pampanga ay nagpapakita ng pagtutulungan at malasakit sa kanilang nasasakupan lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles