Naghandog ng pamasko ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mga 677 Kabalen mula sa Barangay Sta. Monica, Floridablanca, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-28 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Hon. Dennis Pineda, Gobernador ng Pampanga kasama si Hon. Lilia Pineda, Vice Governor.
Ang mga residente ng nasabing barangay ay nakatanggap ng hotdog at manok.
Ang aktibidad ay simbolo ng kalinga at pagmamahal ng Pamahalaang Panlalawigan sa bawat pamilyang Kapampangan sa buong lalawigan ngayong kapaskuhan.