16.7 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

Pamamaril, naitala sa Abra; suspek timbog

Nauwi sa pamamaril ang mainit na usapan ng dalawang residente ng Sta. Maria Residence, Rizal Street, Zone 7, Bangued, Abra, nito lamang ika-14 ng Marso 2023.

Ayon sa ulat ng Bangued PNP, dakong 9:15 ng gabi habang nagluluto ng hapunan ang biktima na si alyas “John”, 23 at residente ng nasabing lugar, isang mainit na usapan ang naganap sa pagitan ng biktima at suspek.

Ayon pa sa ulat, matapos ang mainit na diskusyon ng dalawa, bumalik sa kanyang kuwarto ang suspek upang kunin ang kanyang armas at binaril ang biktima na tumama sa ilong at kanang balikat nito.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ariel”, 41, tubong Bugbog, Bucay, Abra at residente ng Bangued, Abra na agad namang naaresto ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa suspek ang isang Caliber 38 revolver, 2 fire cartridge cases at 4 na mga bala.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek habang nagpapagaling naman ang biktima.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles