Handog ng San Fernando Local Government Unit ang pamamahagi ng tulong pang-edukasyon sa mahigit 1,200 mag-aaral mula sa senior high school sa Lungsod ng San Fernando sa ilalim ng Educational Assistance Program o K-ABE Scholar na isinagawa ng tanggapan Community Affairs Division (CMO-CAD) CGSFP Executive Building, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Nobyembre 10, 2024.
Pinangunahan ni Mayor Vilma Balle-Caluag ang distribusyon ng tulong pang-edukasyon, at sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang mga programa ng lungsod para sa iba’t ibang sektor ng kabataan sa ilalim ng kanyang pamamahala, gayundin ang mahalagang papel ng “Kayanakang Fernandino” sa kanilang mga komunidad.
Layunin ng programa na makatulong sa mga kabataan na makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral, lalo na sa mga walang sapat na kakayahang magbayad ng matrikula, bumili ng mga gamit sa eskwela, o maglaan para sa pang-araw-araw na gastusin sa paaralan.