18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pamamahagi ng sentinel piglets, isinagawa ng DA Region 02

Nagbigay ng sentinel piglets ang mga kawani ng Department of Agriculture Region 02 (DA) na kung saan pitong hog raiser sa bayan ng Cagayan ang nabiyayaan at ito ay isinagawa sa gymnasium ng Amulung kahapon ika-29 ng Nobyembre, 2022.

Ito ay bilang bahagi ng Swine Sentinelling and Repopulation Program ng Department of Agriculture Region 02.

Naging katuwang ng Technical Operation Team ng DA ang mga empleyado ng Provincial Veterinary Office (PVET) sa pamamahagi ng mga biik.

Ayon kay Dr. Myka Ponce, Veterinarian II ng PVET, ang 79 na mga recipient ng sentinel piglets ay mula sa bayan ng Amulung, Buguey, Lal-lo, Pamplona, Solana at Sto. Niño.

Umaabot aniya sa 158 na mga biik ang naibigay sa mga apektadong hog raiser dahil sa sakit na African Swine Fever o ASF.

Kasabay rin nito ang naibigay na 316 sako ng feeds para sa tatlong buwan na pagkain ng mga baboy. Ang mga magsasaka ay nakatanggap ng tig-dalawang biik at tig-dalawang sako ng feeds sa bawat isang biik.

Bago naman naibigay ang mga biik sa mga hog raiser ay tinurukan muna ng PVET ng vitamins ang mga ito. Sa loob ng 40 na araw ay oobserbahan ito ng PVET sa pamamagitan ng blood collection para masuri kung sila ay ligtas sa ASF. Ito ay sa kabila na ang mga nasabing bayan na may distribusyon ng biik ay walang kaso ng ASF sa loob ng 180 days.

Matatandaan na unang nabigyan na ng tig-isang biik ang mga magsasaka ng nasabi ring mga bayan.

Layon pa rin ng pamamahagi ng sentinel piglets na magkaroon ng rehabilitasyon sa mga hog raiser dulot ng ASF at upang mabuhay ang industriya ng baboy sa Rehiyon Dos.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles