23.3 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Pamamahagi ng Rescue Equipment, isinagawa

Pinangunahan ni Vigan City Mayor Jose “Bonito” Singson Jr.   ang pamamahagi ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Equipment sa 39 na barangay ng naturang lungsod na ginanap sa Regional Evacuation Center ng Barangay Ayusan Sur, Vigan City, Ilocos Sur nito lamang Pebrero 19, 2024.

Ang bawat barangay ay tumanggap ng mga sumusunod na kagamitan: generator set, megaphone, rescue can, at heavy-duty flashlight. Dagdag pa rito, ang Barangay Camangaan at San Julian ay tumanggap ng karagdagang plastic rescue boat na may kasamang Out Board Motor (OBM) dahil mas mataas ang antas ng baha sa kanilang lugar.

Nabigyan din ang Vigan City Public Safety and Traffic Management Division ng dalawang bagong motorsiklo, samantala ang Vigan City Environment and Natural Resources Office ay nabigyan din ng dalawang chainsaw.

Tumanggap naman ang Vigan Emergency Response Team (VERT) ng dalawang chainsaw, walong rescue cans, sampung life vest, at isang megaphone, na magpapalakas sa kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad at pangangailangan ng komunidad.

Ang mga nasabing kagamitan ay makakatulong upang mas mapabilis ang pagtugon ng gobyerno sa anumang insidente sa oras ng kalamidad at pangangailangan ng komunidad tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Sane Mind

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles