Namahagi ng mga bitamina ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 para sa mga indigent at malnourished children na may edad 2-12 taong gulang sa iba’t ibang Barangay ng Ilocos Norte nito lamang Miyerkules, ika-30 ng Nobyembre 2022.
Ayon sa DSWD FO1, ang mga napamahaging bitamina at gamot ay handog ng isang pharmaceutical company upang makatulong sa pagpapalakas ng resistensya ng mga bata at manatiling malusog ang pangangatawan laban sa sakit.
Ayon pa sa DSWD FO1, ang napamahaging bitamina sa iba’t ibang Barangay ng Ilocos Norte ay may kabuuang 1,920.
Isinagawa ang naturang aktibidad upang ang mga malnourished children para maging masigla at malakas ang pangangatawan at makasigurong malayo sa sakit.
Bukod pa dito, layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng mamamayan at nang ating gobyerno tungo sa maayos at tahimik na pamayanan.