13.2 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Pamamahagi ng kagamitang pang-eskwela sa mga mag-aaral hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles

Namahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa 64 na mag-aaral ng day care sa NCDC City Hall Child Development Center ang lokal na Pamahalaan ng Angeles nito lamang ika-2 ng Oktubre, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ng Angeles City katuwang ang mga miyembro ng City Nutrition Office.

Bawat mag-aaral sa day care ay nakatanggap ng isang backpack na may kumpletong set ng mga kagamitang pang-eskwela tulad ng mga libro, krayola, coloring pads, mga kuwaderno, ballpen, at mga uniporme na may kasamang sapatos at medyas. “Mananatili pong edukasyon ng mga batang Angeleño ang priority ng ating administrasyon.” dagdag ni Mayor Lazatin.

Ang pamamahagi ng mga kagamitang pang-eskwela sa iba pang day care centers ay susunod na ayon sa iskedyul at personal na pangungunahan ng butihing Mayor.

Layunin ng programang ito na masiguro na ang lahat ng batang Angeleño ay may sapat na kagamitan para sa kanilang pag-aaral upang matulungan ang mga magulang at mabigyan ang mga bata ng magandang simula sa kanilang edukasyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles