Nagsagawa ng pamamahagi ng Emergency Shelter Assistance sa Brgy. Mungo, Tuao, Cagayan noong Sabado, noong Nobyembre 12, 2022.
Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay naihatid ang mga tulong sa mga residente na pinangunahan ni Gov. Manuel Mamba sa nasabing aktibidad.
Nasa 43 na pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunod-sunod na kalamidad.
Bukod dito, namahagi naman ang Brigada Ayala ng GO Bag sa 10 na mga guro habang nagsagawa naman ng feeding program ang Jaycees International (JCI) Tuao sa nasabing lugar.
Pasasalamat ang naging tugon ng mga residente sa tulong at suporta na galing sa Gobyerno.
Source: Cagayan PIO