16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pamamahagi ng Educational Assistance sa mga Purok Agkaykaysa scholar, muling umarangkada sa Probinsya ng Cagayan

Pinangunahan ni Provincial Administrator Maria Rosario Mamba-Villaflor bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba ang pamamahagi ng scholarship assistance para sa mga Purok Agkaykaysa scholar mula sa anim na bayan sa Cagayan para sa unang semestre ng S.Y. 2024-2025 noong ika-23 ng Nobyembre 2024.

Nakasama ni PA Mamba-Villaflor ang Provincial Treasury Office, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Office for People Empowerment, Consultants at mga kawani ng kapitolyo sa isinagawang distribusyon ng scholarship program sa Cagayan State University-Sanchez Mira Campus.

Partikular na tumanggap ang mga Purok Agkaykaysa scholar ng PGC mula sa mga bayan ng Sanchez Mira, Sta. Praxedes, Claveria, Pamplona, Abulug, at Calayan.

Kaugnay rito, nakatanggap ng Php3,500 ang bawat benepisyaryo na tinatayang nasa mahigit 1,700 Purok Agkaykaysa Scholars.

Ang Purok Agkakaysa Scholarship program ni Governor Mamba ay binuo upang masuportahan ang pag-aaral ng mga kabataang Cagayano.

Samantala, maliban sa pamamahagi ng scholarship assistance ay nakatanggap din ng tulong pinansiyal mula sa PGC ang 133 na Persons with Disabilities, 126 mula sa vulnerable groups, at 50 na mga solo parent.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles