14.5 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Pamamahagi ng Cash Aid AICS sa Pangasinan, pinangunahan ni Senator Imee Marcos

Pinangunahan ni Senator Maria Imelda Josefa Remedios “Imee” Marcos ang pamamahagi ng ayuda bilang bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Disyembre 8, 2022.

Umabot sa 2,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng Php3,000 bawat isang residente na nasa “crisis situation” mula sa mga bayan ng Manaoag at San Fabian sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang AICS ay isang social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pagbawi ng mga indibidwal at pamilya mula sa mga hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, mga kalamidad at iba pang sitwasyon ng krisis.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang biyayang natanggap sapagkat ito ay malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Ang mga tulong pangkabuhayan na ipinamamahagi ng ating gobyerno ay unti-unti nang naipapaabot sa ating mga kababayang nangangailangan sa tulong na rin ng iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan.

Source: PIA Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles