Mahigit 50 na kababaihan at kalalakihan ang sumabak sa isinagawang Community-Based Skills Training para sa Basic Electrical Troubleshooting and Basic Carpentry Repair ngayong ika-17 ng Mayo 2023 sa Brgy. Babasit Covered Court, Manaoag, Pangasinan.
Ang libreng skills training na ito ay hatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III at naisakatuparan sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Pangasinan.
Layunin ng proyektong ito na pag-ibayuhin ang kakayahan at kapasidad na mapalakas ang puwersa ng manggagawang Pangasinense.
Ang naturang pagsasanay ay may pangmatagalang benepisyo na makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapabuti sa kanilang sarili.