Namahagi ng tulong ang mga tauhan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa 800 Kabalens sa Barangay Paguiruan Covered Court ng Floridablanca, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-15 ng Augusto 2024.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Hon. Dennis Pineda, Gobernador ng Pampanga kasama ang ibang opisyales.

Ang mga benepisyaro ay nakatanggap ng cash assistance at food packs.
Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga na mabigyan ng malasakit at tulong ang mga residente sa kanilang nasasakupan.