18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, nagsagawa ng Food Incubation Training

Nagsagawa ng 2-araw Food Incubation Training ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya sa pakikipagtulungan ng College of Human Ecology, Nueva Vizcaya State University (NVSU) – Bayombong Campus at ang Techno Learning Resources and Community Empowerment (TLRCE) Livelihood Learning Center, Inc. sa NVSU Food Incubation and Training Center noong Disyembre 6-7, 2022.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Innovation Project ng Pamahalaang Panlalawigan na “Vizcaya’s Optimization of Incubation Centers for Economic Sustainability (VOICES)” na pinondohan sa ilalim ng Innovation Grant Program ng National Innovation Council (NIC).

Layunin ng nasabing programa na paunlarin at pagbutihin pa ang innovation ecosystem ng lalawigan sa pamamagitan ng paglalantad sa mga umiiral na negosyante kabilang ang mga mag-aaral sa mga angkop na teknolohiya.

Ang inisyatibo na ito ay isa ring paraan upang suportahan ang Multi-Fruit Processing Center ng Nueva Vizcaya Agricultural Terminal Inc. Ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na pinamumunuan ng Department Head nito, si Ms. Juditte L. Asuncion. Kasama ito sa agenda ng pamahalaang panlalawigan sa PRAYERS N FAITH.

Ito ay isa lamang sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Carlos M. Padilla sa pagbibigay ng mga serbisyo publiko sa mga nasasakupan nito na nakatuon sa pagpapabuti ng kanilang buhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles