19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng La Union, pinangunahan ang Election Ballot Turn Over

Sa pangunahing layunin para sa malinis, mapayapa, at ligtas na halalan, ang pamamahagi ng Commission on Election (COMELEC) 2022 Official Ballots ay nagsimula na nitong Mayo 2, 2022 sa Provincial Capitol ng City of San Fernando, La Union.

Sina Atty. Marino V. Salas, COMELEC La Union Provincial Election Supervisor, at Janet D. Molina, Provincial Treasurer, bilang mga legal custodian ang tumanggap ng mga balota.

May kabuuang 959 ballot boxes ang dumating sa Provincial Capitol ng City of San Fernando, La Union at gagamitin ang lahat ng ito sa darating na National and Local Elections 2022.

Nagpadala din ng representative ang La Union PNP ng kanilang mga representative para sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga ballot box.

Ayon kay Atty. Salas, ang probinsya ng La Union ay 99% ready na para sa 2022 Elections. Nangako din ito na pangangalagaan nila ang mga naturang balota.

Dagdag pa ni Atty. Salas, para sa health protocols sa darating na eleksyon, face mask lamang ang kailangan ng mga botante at hindi na nila kailangan pang magpakita ng vaccination card.

Isa lamang ito sa maraming patunay na ginagawa lahat ng ating gobyerno ang kanilang makakaya upang masigurado ang ligtas at patas na halalan sa darating na Mayo 9, 2022.

Source:  Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles