Nagpadala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng mas maraming food at non-food packs sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela upang ipamahagi sa mga komunidad at pamilyang naapektuhan ng Florita sa lalawigan.
Nagdonate ang PAGCOR ng kabuuang 1484 non-food packs na kinabibilangan ng kulambo, kumot, tuwalya, at hygiene kit na may bath soap, toothbrush, toothpaste, sanitary napkin, adult diaper, at tsinelas.
Dagdag nito ang 1500 food packs na naglalaman ng 2 kilogram na bigas, milo, 10 sachet ng 3-in-1 na kape, 2 lata ng de-latang tuna, at 2 lata ng meatloaf ay na-deliver din at natanggap sa mabuting kondisyon ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Source: Isabela PIO