Patuloy ang walang humpay na pagbibigay ng libreng serbisyong medikal ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac para sa mamamayan nito lamang Lunes, ika-7 ng Abril 2025.
Matagumpay ang pamimigay ng serbisyo sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, Katuwang ang mga masisipag na medical at administrative staff na nagsusulong ng maayos, mabilis, at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan para sa lahat.
Sa kasalukuyan, 10 City Health Centers ang aktibong nagseserbisyo sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, kung saan araw-araw ay tumatanggap sila ng mga pasyenteng nangangailangan ng medikal na atensyon.

Dahil dito, marami sa mga residente ang nagpapahayag ng pasasalamat at ginhawa sa tulong na kanilang natatanggap — isang malaking kabawasang alalahanin lalo na sa panahon ng karamdaman.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adhikain ni Mayor Angeles na mas mailapit ang serbisyong medikal sa bawat Tarlakenyo, anuman ang estado sa buhay.
Patunay ito na ang malasakit sa kalusugan ng mamamayan ay isang pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac.
