City of Batac, Ilocos Norte – Ang lungsod ng Batac, Ilocos Norte ay nagpaabot tulong pinansyal sa bayan ng Bangued at Abra kaugnay sa pinsalang dulot ng lindol nito lamang Miyerkules, ika-16 ng Nobyembre 2022.
Ang naturang pagpapaabot ng tulong ay pinangunahan ni Hon. Kichel Pungtilan, Sangguniang Panglungsod, bilang kinatawan ng Sangguniang Bayan ng lungsod kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon kay Hon. Kichel Pungtilan, personal na tinanggap ang tulong nila Bangued Mayor Mila Valera at Abra Governor Dominic Valera na nagkakahalaga ng tig-Php250,000 na ginanap sa Bangued Municipal Hall.
Ayon kay Hon. Pungtilan, bukas-palad na nagbahagi ng tulong ng nasabing pamahalaang lungsod para sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pagbangon mula sa mga lindol na tumama sa lalawigan nitong mga nakaraang buwan.
Ayon pa kay Hon. Pungtilan, nagbigay mensahe at pasasalamat si Mr. Arnel Valdez ng Abra Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
“Malaking tulong ito para muling makabangon ang aming mga kababayan mula sa pagkakasira ng mga ibang infrastraktura sa aming bayan dulot ng nasabing lindol”, aniya.
Ang iyong lokal na pamahalaan ay may unang kaalaman sa mga pangangailangang panlipunan, pang-ekonomiya, imprastraktura, at kapaligiran ng iyong komunidad, na tumutulong sa kanila na magbigay ng suporta sa isang kalamidad.
Source: City Government of Batac