22.7 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Pamahalaang Lungsod ng Angeles, maghatid ng tulong medikal at pinansyal sa mga Senior Citizen

Muling naghatid ng tulong medikal at pinansyal ang pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga Senior Citizens ng Barangay Lourdes Northwest, Angeles City nito lamang Lunes, ika-6 ng Enero 2025.

Personal itong inihatid ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., City Mayor, sa 18 senior citizen kung saan bawat isa ay tumanggap ng P3,000 na pinansyal na tulong at Vitamin C supplements.

Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng 11 bedridden at 7 senior na nasa edad 90 hanggang 99 taon.

Bukod dito, pinangunahan din ni Mayor Lazatin, ang isang malawakang anti-flu vaccination drive katuwang ang City Health Office sa pamumuno ni Dr. Verona Guevarra, kasama ang Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office na pinangungunahan ni Mr. Rodolfo Simeon, na naglalayong maprotektahan ang mga senior citizen, mga buntis, at mga indibidwal na may comorbidities laban sa mga sakit.

Patuloy ang pamunuan ng naturang lungsod sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga kababayan, lalo na ng mga kabilang sa vulnerable sectors, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa mas maayos na kalusugan at masaganang pamumuhay.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles