23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Pamahalaang Lalawigan ng Ilocos Norte, muling namahagi ng cash assistance

Namahagi ng cash grants sa 39,430 set 12 na benepisyaryo ng 4Ps sa pamamagitan ng Over-the-Counter (OTC) mode of payment ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na nagsimula nitong ika-6 ng Agosto 2023.

Ayon kay Ms. Anniely J. Ferrer, Social Welfare Officer V and OIC-Assistant Regional Director for Administration, ang OTC mode of payment ay isang paraan upang mas mapabilis ang pamamahagi ng cash grants sa mga benepisyaryo ng 4Ps na wala pang cash cards.

Dagdag nito, para sa iskedyul ng payout, makipag-ugnayan sa opisina ng 4Ps sa inyong lugar.

Samantala, galak ang tanging naramdaman ni Jenniphe T. Sevilla, 39, mula sa Brgy. Lanao, Bangui, Ilocos Norte nang matanggap ang kanyang kauna-unahang cash grants mula sa 4Ps.

Aniya, “Masaya ako dahil kami ay benepisyaryo na ng 4Ps. Ilalaan ko itong natanggap ko sa pag-aaral ng aking mga anak at pambili ng kanilang gamit sa darating na pasukan. Maraming salamat sa DSWD sa malaking tulong ninyo sa aming mga mahihirap.” Binubuhay ni Jenniphe ang kanyang anim na anak sa pamamagitan ng paglalabada at paglilinis ng kanilang barangay hall.

Tuloy-tuloy ang buong pusong serbisyo na inihahatid ng DSWD Field Office 1.

Source: DSWD Field Office 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles