Namahagi ng mga hygiene kits at bitamina ang Pamahalaang Lungsod ng Batac sa lahat ng pamilya sa Lungsod, nito lamang Sabado, Hunyo 19, 2022.
Bawat pamilya ay binigyan ng isang kit na naglalaman ng isang kahon ng face mask, dalawang pirasong hand wash soap, isang 500ml na alkohol na may kasamang apat na spray, at 50 tablet ng bitamina.
Ito ay pinangasiwaan ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa kanilang mga nakatalagang barangay sa pakikipag-ugnayan na rin sa mga opisyal ng barangay.
Ang programang ito ay pinangunahan ni Mayor Albert D. Chua at Vice Mayor Windell D. Chua na naglalayong palakasin ang ating patuloy na pagsisikap na protektahan ang kanilang nasasakupan at kababayan mula sa COVID-19.
Source: City Government of Batac