15.1 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

Pamahalaan ng Batac, Ilocos Norte, nagsagawa ng NeomoccocalVaccination Activity para sa Senior Citizens

City of Batac, Ilocos Norte – Nagsagawa ang pamahalaan ng Batac, Ilocos Norte ng Neomoccocal Vaccination Activity para sa Senior Citizens sa pakikipagtulungan ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC) sa City of Batac nito lamang Martes ika-6 ng Septyembre 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Albert D. Chua, City Mayor, City of Batac, Ilocos Norte katuwang ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center vaccination team sa pangunguna ni Dr. Gretchen Bonita Ranada sa tulong ng OSCA President, Mrs. Viraluz Raguindin, SPM Kichel Jomarie Pungtilan at SPM Violy Nalupta.

Ayon kay Mayor Albert D. Chua, ang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ay siyang kaagapay sa naturang aktibidad na ginanap sa Covered Court Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC).

Ayon pa kay Mayor Chua, 120 senior citizens ang naka-avail ng bakuna at bawat isa ay binigyan din ng food packs ng pamahalaang lungsod.

Nauna nang nagpahayag si Mayor Albert D. Chua ng kanyang matinding pasasalamat sa MMMH&MC at Medical Center Chief, Dr. Maria Lourdes K. Otayza para sa pagpapaabot ng aktibidad na ito sa ating mga senior citizen, at sa kanilang walang patid na pagsisikap sa paghahatid ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa ating komunidad.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles