14.8 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Pamahalaan ng Batac at Batac PNP, namahagi ng Relief Goods kaugnay sa Bagyong “Florita”

City Government of Batac at Batac PNP ng Ilocos Norte, namahagi ng relief goods sa mga pamilyang apektado ng bagyong “Florita” sa siyudad nitong hapon ng ika-23 ng Agosto 2022.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Albert D Chua, City Mayor ng Batac, Ilocos Norte kasama si Police Lieutenant Colonel Mar Louise T Bundoc, Officer-In-Charge ng Batac City Police Station na isinagawa sa City Hall ng nasabing siyudad.

Ayon kay Hon. Albert D Chua, nasa mahigit 5,000 na family food packs ang naipamahagi sa mga barangay na naapektuhan ng Bagyong “Florita” sa nakalipas na dalawang araw na iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng siyudad.

Ayon pa kay Hon. Mayor Chua, bukod sa relief goods, nagbigay din ang DSWD ng hygiene kits, sleeping kits, at 4,000 boxes ng collapsible water containers sa iba’t ibang barangay sa siyudad.

Ayon din kay Mr. Arvin C Lumang, City Disaster Risk Reduction and Management Officer, dahil sa pagtaas ng tubig sa Quiaoit River ay nasa 1,000 pamilya ang apektado dulot ng bagyong “Frorita”.

Samantala, patuloy namang nakaalerto ang kapulisan ng naturang siyudad kasama ang Search and Rescue Team dahil sa patuloy na nakakaranas ng malalakas na pag-ulan ang siyudad.

Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Florita” pero patuloy pa ring makakaranas ng mga pag-ulan sa siyudad dahil sa epekto ng habagat.

Source: City Government of Batac

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles