Nagsagawa ng panibagong programa ang kinatawan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Office of the City Mayor, San Fernando City, La Union upang ipakilala ang Paleng-QR Ph nito lamang ika-15 ng Disyembre 2022.
Aktibong nakilahok sa nasabing aktibidad ang Department of the Interior and Local Government, Local Economic and Business Development Officers at City Information and Communications Technology Officers.
Layunin ng programa na mapalawak ang cashless transactions o pagbabayad gamit ang digital devices sa mga palengke at tricycle gamit ang QR Ph na national QR Code standard para sa digital payments.
Ang nasabing programa ay upang mapadali ang transaksyon sa pagbayad saan ka man naroon, tuloy-tuloy ang ating mga programa para sa mas magaan na pamumuhay.