



Iginawad ang palaisdaan para sa mga dating rebelde sa KM11, Dipaculao, Aurora nito lamang Huwebes, ika-6 ng Hulyo 2023.
Ito ay inisyatibo ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company na tulong para sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Sa pagsisikap ng mga dating rebelde sa pag-aalaga ng isda sa loob ng anim na buwan, nakapag-ani na ng 50 kilong isdang tilapia.
Labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa ibinigay na oportunidad at alternatibong paraan para sa paghahanap-buhay sa tulong ng mga iba’t ibang programa ng gobyerno sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng Aurora 2nd PMFC.