


Palaisdaan ang handog ng mga awtoridad para sa mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan sa KM11, Dipaculao, Aurora nito lamang Sabado, ika-26 ng Agosto 2023.
Ang naturang livelihood program ay nakapag-ani ng 40 kilos na isdang tilapia sa loob ng anim na buwan at alternatibong paraan para sa kanilang paghahanap-buhay.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng komunistang grupo na magbalik-loob upang makamtan ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa ating bayan.