15.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pailaw sa Kampo Dangwa, binuksan sa publiko

Kasabay ng pagbukas ng buwan ng Disyembre ay ang pagbubukas ng pinto ng Kampo Dangwa sa publiko sa isinagawang Ceremonial Lighting ngayong kapaskuhan sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang Disyembre 1, 2022.

Tampok sa mga bisita ang iba’t ibang parol na pinalamutian ng mga pailaw at nagniningning sa higit 10 libo at 300 metro kuwadrado na parade ground.

Masisilayan sa bungad ng kampo ang isang anghel na tumutugtog ng trumpeta kasabay ng masisiglang tugtugin at awiting pangpasko ang humaharana sa mga papasok na bisita.

Bawat kanto at gusali na nakapaligid sa opisina ng Police Regional Office Cordillera ay pinalamutian ng iba’t ibang makukulay at nakakaakit na pailaw.

Tampok din ang mga tanawin gaya ng arko ng “MKK=K” sa daan patungo sa Masigasig Grandstand kung saan pinalamutian ito ng mga katutubong parol na gawa sa Capiz, mga Parade of Stars ng Regional Mobile Force Battalion 15, Make Believe White Christmas chair, mga Benguet Pines na punong puno ng pailaw at mga parol na bumabagay sa malamig na simoy ng hangin.

Kamanghamangha rin ang isang Christmas Belen na kumakatawan sa kapanganakan ni Hesukristo at isang higanteng Christmas tree malapit sa signage ng PROCOR LOVES U na iluminado ng mga makukulay na Christmas lights.

Samantala, patuloy na pinapayuhan ang mga bisita na magsuot ng face mask at sumunod sa minimum health protocols.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles