Umarangkada ang Pailaw Project ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company sa Barangay Cabiten, Mankayan, Benguet nito lamang Marso 18, 2025.
Ang naturang proyekto ay naisakatuparan sa inisyatibo ng 1st Benguet PMFC sa pingunguna ni Police Lieutenant Colonel Renny D Lizardo, Force Commander katuwang ang mga Criminology intern students mula Benguet State University at ng CAGPTD na kinakatawan ni G. Joemar Sacpa.

Ang mga bagong installed at pinalitan na sirang solar lights ay opisyal na ipinasa sa pangangalaga sa lokal na Pamahalaan ng Barangay Cabiten sa pamumuno ni Hon. Reynaldo S. Bandisa, Punong Barangay.

Bukod pa dito, emosyonal na nagpasalamat si Hon. Bandisa sa ipinamalas na malasakit sa kanyang nasasakupanan at patuloy na dedikasyon ng Benguet 1st PMFC sa pagpapabuti sa komunidad.
