Natapos ang apat na araw ng Standard First Aid and Basic Life Support Training with Automated External Defibrillator (AED) para sa ilang mga kawani at medical frontliners na ginanap sa Function Hall Barangay Lucap, Alaminos City, Pangasinan nito lamang Disyembre 17, 2022.
Inisyatibo ito ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos sa pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) katuwang ang Philippine Red Cross Alaminos City-Western Pangasinan Chapter.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ang bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan ng First Aider at lalo pang madagdagan ang kaalaman at kasanayan ng ating mga nasa frontline services tungkol sa tamang pagresponde at upang maging handa at ligtas sa anumang darating na sakuna at emergencies. Source: LGU-Alaminos City