13.2 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

Pagtatapos ng ika-11 Panagbunga Festival, matagumpay na ipinagdiwang sa Apayao

Matagumpay na natapos ang ika-11 Panagbunga Festival sa Bayan ng Conner, Apayao, sa isang makulay at masiglang selebrasyon nito lamang Setyembre 27, 2024.

Ang pagdiriwang na ito ay nagbigay-pugay sa yaman ng agrikultura at nagpatibay sa pagkakaisa ng mga mamamayan.

Si Board Member Kyle Mariah Chelsea Bulut-Cunan ang naging panauhing pandangal sa seremonya ng pagtatapos.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Panagbunga Festival sa pag-aangat ng lokal na agrikultura at mabuting pamamahala.

Pinuri din nito ang aktibong partisipasyon ng mga residente at pinasalamatan ang lokal na pamahalaan sa kanilang pagsusumikap na ipakita ang potensyal ng bayan sa agrikultura.

Isa sa mga pangunahing tampok ng festival ay ang Cookfest, kung saan ipinakita ng mga lokal na kusinero ang kanilang husay sa paggamit ng mga katutubong sangkap sa pagluluto.

Sa pagtatapos ng festival, umaasa ang mga taga-Conner na magdadala ito ng masaganang ani at patuloy na pagkakaisa sa kanilang komunidad. Ang Panagbunga Festival ay nananatiling simbolo ng kanilang pagmamalaki sa agrikultura at kultura.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles