18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon, ipinagdiwang sa Benguet

Ipinagdiwang ng Lalawigan ng Benguet ang pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon na may temang “Sa Philippine Plan of Action Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para Sa Lahat” sa Benguet Provincial Capitol, La Trinidad, Benguet noong ika- 4 ng Agosto 2024.

Binigyang-diin ni Gobernador Melchor Diclas, ang mga interbensyon na ginagawa ng Panlalawigan ng Benguet upang tumulong sa pagtugon sa mga isyu ng status ng nutrisyon at tiniyak na ang mga interbensyon at iba pang suporta para sa nutrition program ay ibibigay ng pamahalaang panlalawigan.

Dagdag pa nito, iba’t ibang programa ang naibigay ng PLGU sa pamamagitan ng iba’t ibang tanggapan tulad ng Provincial Health Office, Provincial Agriculturist Office, Provincial Veterinary Office katuwang ang municipal local government units.

Pinuri din ang mga munisipalidad na nagpapatupad ng iba’t ibang programa para matugunan ang malnutrisyon sa kanilang mga lokalidad.

Ginawaran ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Health Office ang mga nanalo at mga hurado sa Nutri-Cooking Contest at ang may pinakamagandang booth mula sa Nutri-Booth na nagpapakita ng iba’t ibang ani mula sa bawat munisipalidad ng lalawigan.

Ang Buwan ng Nutrisyon ay taunang ipinagdiriwang upang itaguyod ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na kalusugan at aktibong katawan at ang kahalagahan ng edukasyon sa nutrisyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles