19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa isinusulong sa Gitnang Luzon

Isinusulong ngayon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang dagdag sahod ng mga manggagawa sa Gitnang Luzon.

Mula sa Php400 wage hike, iminungkahi ng nasabing grupo na itaas sa Php820 ang daily minimum wage.

Ayon kay Raymond Mendoza, TUCP President, hinihiling na gawin ng wage board ang tungkulin nito na magtakda ng minimum na sahod na talagang makakatugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa at pamilya sa rehiyon.

Kung ito ay maaprubahan, kabilang sa mga tataas ang minimum wage ay ang probinsya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Ayon naman sa tanggapan ng RTWPB sisimulan na ang kanilang public consultations kaugnay sa isinusulong na wage hike.

Source: Philippine Star

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles