21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagsasanay tungkol sa Meat Processing, isinagawa ng Department of Agriculture Central Luzon

Nagsagawa ng Meat Processing Seminar-Workshop ang Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa pangunguna ng Livestock Banner Program para sa 25 miyembro ng Rural Improvement Club at asawa ng mga magsasaka sa Floridablanca, Pampanga nitong ika-2 ng Agosto 2022.

Nakapailalim ito sa programang Animal Product and Byproduct Development ng Operations Division Livestock Banner Program na kung saan kabilang ang pagsasagawa ng mga pagsasanay patungkol sa meat processing.

Ilan sa mga tinalakay ang Good Manufacturing Practices o GMP at paggawa ng hamburger patties, chicken tocino, skinless at longganisa. 

Ayon kay Livestock Banner Program Coordinator Elisa Mallari, taun-taon ginagawa ang ganitong pagsasanay para sa mga interesadong grupo upang matutunan ang tama at ligtas na pamamaraan ng pagpoproseso ng karne at maaari din nilang gamitin ang kasanayan sa kanilang pangkabuhayan.

Malaking pasasalamat naman ni Lesley Buan na isang housewife mula Calantas, Floridablanca sa inisyatibo ng DA na sila ay matulungan.

Samantala, siniguro ng DA na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng ganitong pagsasanay para sa buong Gitnang Luzon.

Source: Department of Agriculture Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles