Nagtapos ang 5-day Training Program tungkol sa Engineered Bamboo Production, Jointing, at Finishing Techniques na isinagawa ng Bataan Provincial Government sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office sa Bataan nito lamang ika-7 ng Agosto 2022.
Ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa pagpapalinang ng kakayahan ng mga nakilahok sa paggawa ng mga produkto mula sa kawayan.
Layunin din nitong mas makilala ang BAMASAGKA Producers Cooperative sa kanilang magagandang produkto tulad ng baskets na gawa sa rattan.
Ang Basket Weaving at Engineered Bamboo Production ng BAMASAGKA Producers Cooperative ay bahagi ng Bataan Handicraft Industry Ecosystem Program ng Provincial Government of Bataan sa pamamagitan ng PCEDO na naglalayong mas palakasin at pag-ugnay-ugnayin ang mga industriya ng handicraft sa lalawigan.
Ang nasabing pagsasanay ay pinondohan ng Department of Science and Technology Central Luzon.
Patunay lamang na ang ating pamahalaan ay patuloy sa pagbibigay ng angkop na serbisyo sa ating bayan
Source: PCEDO Bataan