16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagsasanay para sa 561 Army recruits sinimulan na sa Isabela

Sinimulan na ang pagsasanay sa 561 army recruits ng 5th Division Training School (5DTS) sa Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela nito lamang Huwebes, Mayo 26, 2022.

Mula sa 2,300 na sumubok na aplikante, tanging 528 na lalake at 33 na babae ang pinalad na pumasa sa mahigpit na screening ng Hukbong Katihan ng Pilipinas at napabilang sa Candidate Soldier Course (CSC) Classes 728, 729, 730, and 731-2022 cross-trained with Infantry Orientation Course.

Sasailalim ang mga recruits sa anim na buwang military training kung saan huhubugin ang kanilang kakayahan upang maging mahusay at disiplinadong sundalo na magsisilbi ng buong puso sa bayan.

Hinamon naman ni Major General Laurence E Mina, 5ID Commander ang mga recruits na pagbutihin ang kanilang pagsasanay.

“Patunayan ninyo na kayo ang nararapat sa pamamagitan ng pagpapakita ng determinasyon, husay, at galing sa mga pagsasanay, lektura at mga modyul ng taktika. Tahakin ang wastong landas upang maging matiwasay ang inyong paglalakbay sa pagsisimula ng inyong pagsasanay bilang mga kandidatong sundalo ng Hukbo. Ang araw na ito ang simula ng bagong kabanata ng inyong buhay.”, ani MGen Mina.

Source: 5th Infantry Division, Philippine Army

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles