20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Pagpupugay sa Mga Manggagawang Pilipino

Kaisa ng NTF-ELCAC ang mga manggagawang Pinoy sa lahat ng antas ng lipunan, mga industriya, mga sektor, mga magsasaka, mga mangingisda at bawat indibidwal na nagtataguyod ng ekonomiya ng ating bansa ngayong Mayo uno, araw ng Linggo, sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.

Bilang pagkilala sa sipag, tiyaga, kakayahan, at kasanayan ng ating mga obrero, taos pusong iniaalay ng NTF-ELCAC sa ating mga magigiting na mga bayani mula sa hanay ng mga mangagawang uri ang DUTERTE Legacy Caravan na may tema, “Pagkakaisa ng Mamamayan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran” sa EDSA People Power Monument na sumasagisag sa nag aalab na hangarin ng bawat Pilipino na makamit ang wagas at makatarungang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpuksa sa teroristang CPP-NPA-NDF na syang sanhi ng hinagpis at pagdurusa ng marami sa ating mga kababayan.

Ang pagdiriwang at pagpupugay sa ating mga bayaning manggagawa ay sabayang gaganapin sa mga lalawigan, mga kalungsuran, at mga kabayanan sa buong kapuluan.

Nais natin na mabigyan ng kaukulang pagkilala ang mga mahahalagang ambag ng ating mga manggagawa sa pagtataguyod ng isang matatag at maunlad na Republika ng Pilipinas.

Layunin ng NTF-ELCAC sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maiahon ang ating mga manggagawa mula sa panlilinlang ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng kanilang mga huwad at mapagkunwaring mga prenteng organisasyon.

Sa pamamagitan ng pinagsama-samang pwersa at nagkakaisang mga kawani ng mgaahensya ng pamahalaan na bumubuo ng NTF-ELCAC, handog natin sa ating mga kababayan, lalong lalo na sa ating mga manggagawa, ang pamana ng maayos at tapat na paglilingkod sa tao at sa bayan, alinsunod sa halimbawa ng isang mapagmahal at mapag arugang Ama ng Republika ng Pilipinas, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang layunin ng NTF-ELCAC.

Ito ang nasa kaibuturan ng puso ng mga kawani ng pamahalaan na bumubuo ng NTF-ELCAC, ang paglingkuran ng tapat at nararapat ang sambayanang Pilipino, higit sa lahat, ang kapakanan ng lahat, at ang bukas na hitik sa pag-asa para sa mga pamayanang maghahari ang tunay na kapayaaan.

Ito ang Pamana ng Isang Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Para sa iyo.
Para sa akin.
Para sa bawat Pilipino.

Sa ngalan ng mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng NTF-ELCAC,

Prosecutor 2 Flosemer Chris Gonzales
Acting Spokesperson for Legal Affairs, NTF-ELCAC

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles