21.4 C
Baguio City
Monday, March 31, 2025
spot_img

Pagpapahalaga sa Kababaihan: LGU, naghandog ng Symposium at Libreng Pampering Services

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan, nagsagawa ang pamahalaang lokal ng isang symposium at libreng pampering services para sa mga babaeng kawani ng LGU ng Bayambang, Pangasinan na ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong Marso 20, 2025.

Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) ang nasabing aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Nora R. Zafra.

Tampok na tagapagsalita si Social Welfare Officer III at Mayor’s Action Center head, Gng. Josie E. Niverba, na tinalakay ang paksang “Building Confidence.”

Kasunod ng symposium, naglaan ng oras ang HRMO para sa isang “me-time” session kung saan libreng inihandog sa mga kawani ang iba’t ibang pampagandang serbisyo tulad ng haircut, back massage, manicure, at pedicure.

Bilang pangwakas na aktibidad, sama-samang sumayaw ang mga kalahok sa isang masiglang Zumba dance exercise.

Sa pamamagitan ng taunang programang ito, ipinakikita ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagpapahalaga sa mga babaeng empleyado, na araw-araw na hinaharap ang hamon ng pagtupad sa tungkulin bilang lingkod-bayan kasabay ng kanilang mga responsibilidad bilang ina, asawa, at ilaw ng tahanan.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles