14 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

Pagkilala kay Lola Gregoria, isang Centenarian ng Angono, Rizal

Isang pagkilala ang inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Angono kay Gregoria M. Reyes, isang “Centenarian” mula sa Barangay Kalayaan, Angono, Rizal nito lamang ika-18 ng Abril 2024.

Bilang pagbibigay-pugay, inatasan ni Mayor Jeri Mae Calderon si Carmelita Bartolome ng Kapisanan ng mga Kababaihan sa Komunidad (KKK) na personal na iabot kay Lola Gregoria ang sertipiko ng pagkilala at cash gift na Php10,000 na siyang sinaksihan ng kanyang pamilya at ilang kawani ng pamahalaan.

Ang pamamahagi ng cash gift na Php10,000 ay isinabatas ni Mayor Calderon para sa mga centenarians mula sa bayan ng Angono, Rizal na hiwalay sa inaasahang Php100,000 na magmumula sa pamahalaang nasyunal.

Alinsunod sa pinaigting na implementasyon ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016 na mabigyan ng karagdagang benepisyo at mga programa ang ating mga Senior Citizens.

Ang mga Centenarians tulad ni Lola Gregoria ay patunay ng lakas, pag-asa at inspirasyon na anumang hamon sa buhay ay dapat nating harapin at labanan.

Source: Angono PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles