Taliwas sa iginigiit ng ilang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Church na namatay ang isa nilang kasapi dulot ng isinagawang operasyon ng kapulisan, kinumpirma ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na isang “underlying condition” ang ikinamatay ng nasabing kasapi.
Kinilala ang nasawi na si Edwin Escobido Cababat, 51 anyos na residente ng Bucana, Lungsod ng Davao.
Ayon sa mga ulat, bandang 5:30 ng umaga ng Agosto 24, 2024 nang bigla na lamang nawalan ng malay si Cababat habang nagbabantay sa isang banayaban (watch tower) ng KOJC.
Agad na sinugod si Cababat ng mga kapulisan sa SPMC bandang 5:40 ng umaga gamit ang mismong ambulansya ng PNP Regional Health Service 11.
Nakarating sa nasabing ospital ang mga kapulisan sa loob lamang ng labing anim na minuto matapos makuha ang biktima, ngunit idineklara siyang “dead-on-arrival” ni Dr. Tyrone Troi B. Javier, RRT, MD, ang doktor na nakatalaga sa emergency medicine.
Kaugnay ng pagkasawi ni Cababat ay hinimok ni PBGen Torre si Quiboloy na sumuko na at huwag nang hayaang magpatuloy ang kalbaryo na dinaranas ng kanyang mga tagasunod.